PTGA - Phil Tobacco Growers Association, Inc.

Promoting, Developing and  Protecting the Tobacco Growers Industry of the Philippines

Join us on:

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube

News & Events » Balance Stand sa Sin Tax Bill, Apela ng Tobacco Farmers

Article courtesy of Dindo Matinig from Abante (Oct. 3, 2012)

Umaasa ang mga tobacco farmers na magiging balanse ang posisyon ng Senado sa panukalang dagdagan ang Encise Tax sa sigarilyo at alak.

Kasabay nito, pinuri naman ng philippine Tobacco Growers Association (PTGA) si Sen. Ralph Recto, Chariman ng Senate Means and Ways Committee dahil sa pagbigay sa kanila ng panahon na ipaliwanag ang kanilang posisyon sa nasabing panukala.  

Sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado sa Lunes, Oktubre 8, isusumite na ni Recto ang committee report matapos ang serye ng pagdinig sa panukalang exciise tax sa sigarilyo at alak.

Sinabi naman ni Saturnino Distor, Pangulo ng PTGA, mas maganda umano ang binigay na pagkakataon ng Senado sa kanila na ilahad ang kanilang posisyon hindi tulad ng sa kamara kung saan binigyan lamang sila ng limang minuto para magpaliwanag ng kanilang punto sa nasabing panukala.

Binatikos din ni Distor ang ilang sektor na nagsasabing sumang-ayon na umano ang Senado sa mga puntong iprinisinta ng mga tobacco control advocates sa ginanap ng pagdinig sa Senado. (DM)

www.ptga.org.ph